Payphone- Maroon 5
“It’s even harder to picture that you’re not here next to me. You say it’s too late to make it, but is it too late to try?”
Kasi naman e. Nakakaiyak lang. hahaha! sorry ah, magda-drama muna ako. Hindi ko na kasi kayang ipunin. Parang nakakalason kapag naka-ipon lang siya sa dibdib ko.
Naalala ko nanaman siya. Ang taong una kong inibig. Hanggang ngayon. Limang taon na ang nakalipas simula nung nakilala ko siya. Nakakainis lang kasi ako. Ako ang nagpapahirap sa sarili ko. Alam kong kailangan ko na siyang kalimutan para hindi na ako nahihirapan. Pero ayoko pa siyang kalimutan. Hindi ko pa kayang matanggal siya sa buhay ko. Badtrip. Hindi ko nga masabi sa sarili ko na ayoko na sa kanya. Alam kong wala nang patutunguhan. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kahit sobrang masakit na, yung halos araw-araw nahihirapan talaga ako inside. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kailangan ko na talaga malibang. Alam ko, makakalimutan din kita. Tulungan mo ko Lord.
“Still stuck in that time when we called it love”