Nakakapagod na araw ang nangyari kahapon kaya hindi ako nakapag-online. Andito ako sa Laguna ngayon at mamaya uuwi na rin ako sa Marikina. Nakipag-kita ako kay Kim at Yas kahapon. Ayun masaya naman, puro kain. hahaha! Sobrang inet dito sa Laguna. grabeness. Nakakamiss. Dito kasi ako lumaki. Andito yung mga kaibigan ko, tsaka alam ko na pasikot-sikot dito. masaya naman. Maraming gustong makipag kita sakin kaya lang kulang na talaga sa oras. Next year nalang guys ah? haha! jokelang.
Mamimiss ko talaga ang lugar na ito. Ang mga kapitbahay kong kapag lumabas ako e, lalabas din. lol. Si kuya ruben na nagtitindang siomai, si tisoy na nagtitinda ng pinaka-masarap na palabok sa buong mundo, sila tita ana at ang anak niya na crush ko hahaha, si nette na kasama ko mag-gala at kumain ng fried isaw, si mommy at ang mga kapatid ko.
At si Ultimate crush! HAHAHA! Kuya *tootoot*! sorry di ako nakanood ng liga mo. hahaha!