Itsura ko. Grabe Na-miss ko to! Bumili talaga ako ng slippers para sa sand ng Subic. Isang taon lang ako hindi nakapunta, ang dami nang nagbago. Na-miss ko yung beach, yung monkeys, yung heat pag hapon, yung simoy ng hangin pag night. At higit sa lahat, yung mga masasayang memories. Kung may pera ako na marami bibilhin ko lugar na to e. hahaha.
Natatawa lang ako nung ginagawa ko yung collage, kulang kasi. wala na kong malagay. Next na nakalagay jan, yung picture namin ng asawa ko. hahaha.
God, Thank you sooo much for everything! Nung ginagwa ko ‘to, naiiyak ako. Kulang pa nga ‘to e, di kasya. Sa dami-dami ng binigay sa akin ni Lord, di ko na mabilang. This is why I worship Him. Wala ka na kasing hihingiin pa, kasi kahit hindi ka manghingi binibigay niya. I know there’s more to come. I love you Lord.
Hello sa mga classmates and schoolmates ko na nagabasa ng blog ko pag may time sila. Tuwing makikita niyo ko, lagi niyong tinatanong kung bakit hindi pa ako nag-uupdate. hahaha. Baka yung Prof ko sa english hinahanap ang blog ko. hahahaha. Grabe Sir pag nahanap mo ‘tong blog ko, at nabasa mo ‘to sir sana hindi mo ako ibagsak. Pag bumagsak ako, ibblog kita at ang lahat ng katangian at buhay at ginagawa mo. HAHAHAHAHAHAHA!

I am planning to join the online audition for the Rodgers and Hammerstein’s Cinderella play. Ewan, Am I that depress? or Am I that desperate to be a princess? hahaha. Yea, I love to WATCH plays but I never really thought or imagine that I would be the one acting on the stage. Good luck to me and to the people who will have their auditions too!
Lol. Super late na. Sinadya ko ‘to. Kasi kung nung Feb. 14 ako nag-post hindi mapapansin yung sa’kin. hahahahahahahajk
My friends,Cheza and Pat (kulang si paola kasi CEU na siya) and I went to Pizza Hut Katip to celebrate Heart’s day!



hahaha. at least may nagbigay! hahahahahaha dami kong tawa dito e, thank you cheza and gelli. :))
So as usual, marami kang makikitang couples na nabibigayan ng bulaklak, chocolate, teddy bears, cakes etc. nagdagsaan din ang mga poging bfs ng mga school mates ko. Yun yung araw na naghahatiran ang magsing-irog papunta at pabalik sa school. Yung araw na maraming nagho-holding hands, yung araw na malalagkit ang tingin nila sa isa’t isa.
Yung ibang tao naman nagddrama sa sulok, nage-emote, ‘tila galit sa mundo. yung tuwing makakakita ng couples ay sinasaniban ng masamang espirito at biglang sasabihing “maghihiwalay din kayo” or “lolokohin ka lang niyan” hahahaha
Ewan ko ba sa mga tao. Di naman required magka-bf/gf pag heart’s day e.
Sorry, update ko blog ko bukas. Masarap pala magkaroon ng social life.. Try niyo din minsan oag may time kayo. Hahaha
Super busy dahil nag-NSTP kami sa Park 7 in QC, sa loob ng Varsity Hills. May naka-assign na family sa’min tapos ayun we will stay in there houses for 8 hours at tutulong sa household chores. It was my first time to cook sinigang kaya proud ako sa sarili ko. lol. AND nag-kayod ako ng niyog, manually. Gets niyo? hahaha. Nakakahiya yung feeling kasi yung tipong wala na silang makain pero naghahanda sila AT nangungutang sa tindahan para lang may ihanda sa amin. Marami akong natutunan at nakita. Minsan, di natin nare-realize na mas swerte pa tayo sa lagay na ‘to. Tayo ang problema lang natin ay maghanap ng ka-date sa Valentine’s day, kung anong ireregalo mo sa bf/gf mo, pero sila ang problema nila ay kung paano sila makakakain sa araw-araw. Pero alam mo, kahit ganun ang sitwasyon nila, hindi sila nawawalan nag pag-asa.
Kaya kung ano yung meron ka, i-share mo. Alam mo, yung jollibee para sa akin normal na pagkain lang yun pero sa kanila iba ang dating ng jollibee. Sobrang saya kaya nila nung nakakain sila ng chicken ng jollibee. naisip ko tuloy kung ilang chicken ng jollibee na ang kinain ko tapos di ko inubos.. dapat sila nalang kumain nun.





Alam niyo, yung dad ko nanghuli ng spider and cockroaches for my lab project. he woke up early to bring those for me. Ang sweet. I love you daddy. :)