Stress.
Nararamdaman ko na ang buhay kolehiyo. Oo, ngayon palang. Napag-desisyonan ko kanina habang naliligo ako na mag-aaral na ko ng malupit. Tama na muna ang barkada at gala. Aral kung aral. Nacha-challenge ako sa mga grades ko, ang baba kasi. Gagamitin ko na ang mga break ko para mag-review. Kanina, nagsimula na kong mag-review para sa finals. October pa naman ang finals e, pero sayang kasi yung mga oras na hindi ko nagagamit ng wasto. Ayoko magsisi sa bandang huli.
Pagod na pagod ako. Pero basta, gagawin ko ang lahat para matupad pangarap ko. Kaya ko ‘to.
Sa school na din ako gagawa ng mga homeworks at dun nalang ako magrereview kasi kapag andito na ko sa bahay, nag-iinternet lang ako, kumakain, nagsi-sims3 at natutulog. Walang kinabukasan kapag dito ako nag-aral, lahat ng temptation nandito. hahaha! Btw, May Sims 3 Supernatural na kami! WOOHOO!