Itrato niyo naman ako ng parang normal na tao. Normal na tao lang ako.
Ayaw niyo ko maglakad sa daan, ayaw niyong magcommute ako, ayaw niyong ako lang mag isa, ayaw niyong mag-taxi ako mag-isa, ayaw niyong mag-bus ako. Enebe people, gusto ko to ma-experience habang nabubuhay ako. Alam kong you care for me and you want me to be safe. Pero wala akong matututunan kung ganyan. Gusto ko rin matuto kung paano pumunta sa ganyan, sa ganun.. Alam kong maraming masasamang tao sa paligid, pero hindi ibig sabihin kapag lumabas ako, ako na agad ang mapapahamak.
Wala pa kayong tiwala sakin. Nanay ko lang meron at si tita miles. :)) Hindi naman ako gala e. Pero minsan, nalulungkot din ako sa bahay. Isang araw nga, umiyak ako sa kwarto sa sobrang lungkot. Halos di na ko nakakakita ng araw. Pagkatiwalaan niyo ko. MATINO AKO. Hindi naman ako nag-bbar, wala naman akong boyfriend. GUSTO KO LANG AY MAG_MALL AT BUMILI NG PAGKAIN! HAHAHA!
Papaalala ko lang po sainyo, na hindi na ako baby. Pero hindi ibig sabihin nun hindi niyo na ako sasawayin. Bigyan niyo rin ako ng freedom para ma-explore ang kapaligiran. Bigyan niyo kong freedom, then I will give you good grades.